Anong negosyo ang magpapayaman?

Sulat mula kay Clarissa Capitol Site, Kalibo, Aklan

Dear Sir Greenfield,

Kabababa lang ng barko ang mister ko at sa tagal na siya ay nag-seaman medyo nakaipon na kami ng puhunan kaya sa ngayon balak naming magnegosyo na lang para hindi na siya sumampa uli sa barko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano po ba ang magandang negosyo na dapat naming simulan sa taong ito ng 2015? October 14, 1974 ang birthday ng mister ko at May 5, 1976 naman ako.

Umaasa,
Clarissa ng Kalibo, Aklan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad at sa palad din ng mister mo. Ibig sabihin, tama ka ang naiisip nyong mag-asawa, kung saan, kung magtutulungan kayo sa isang sakto at bagay sa inyong negosyo, mabilis kayong uunlad hanggang sa tuluyang yumaman.

Cartomancy:

Five of Hearts, Eight of Diamonds at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong ito nmg 2015 sa buwan ng Mayo, Hunyo o kaya’y Agosto, tiyak ang magaganap, makapagsisimula kayo ng isang negosyong may kaugnayan sa pagkain. At ang negosyong ito ang siya na ring magsisilbing simula upang tuloy-tuloy kayong yumaman at umasenso.

Itutuloy….

Read more...