Pinoy tiwalang-tiwala kay Pope Francis, ayon sa SWS survey

 

DALAWANG buwan makalipas ang kanyang pagbisita sa bansa, nanatiling inspirado ang mga Pilipino kay Pope Francis.

Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), sinasabi na siyam sa 10 Pilipino ang nagtitiwala kay Pope Francis.  Siya ay  nagtala ng pinakamataas na trust rating record na plus 81 sa kasaysayan ng SWS.

“Pope Francis now holds the highest public trust rating in the history of SWS surveys, surpassing the plus 72 of Pope, now St., John Paul II in 1995,”  ayon sa SWS sa isang kalatas na inilabas Miyerkules.

Ginawa ang survey mula Marso hanggang 23.

Sa ginawang survey, 87 porsyento ang nagsasabi na meron silang  “much trust” kay Francis, at 6 porsyento naman ang nagsabi na meron silang “little trust”.

Umakyat ng 22 puntos ang trust rating ng Papa mula sa “very good” plus 59 na naitala noong Setyembre 2013 (71 percent much trust, 12 percent little trust) at Disyembre 2014 (72 percent much trust, 12 percent little trust, correctly rounded) sa plus 81 nitong Marso.

Kung ikukumpara, si St. John Paul II’s  net trust rating ay umabot sa  plus 65 nang magsagawa ng survey ang SWS noong Disyembre 1994. Umakyat ito sa  plus 75 noong Abril, 1995 at plus 58 noong Disyembre  2003, at plus 62 noong Maros 2005, isang buwan bago siya namatay sa edad na 84.

Read more...