Ara umaasang magkakabalikan pa rin sila ni Patrick: Maaayos din ito!

patrick meneses

UMAASA pa rin si Ara Mina na maaayos nila ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ang kanilang mga problema bilang mag-live in partner.

Sa ipinadala sa aming official statement ng publicist ni Ara na si Mareng Pilar Mateo, naroon pa rin ang pag-asa sa puso ng aktres na darating ang araw na magkakabalikan sila ni Mayor Patrick at muling magsasama kasama ang kanilang unang baby.

Pero bago pa namin nakuha ang statement ni Ara, nakausap na namin siya sa loob ng ABS-CBN building at doon nga namin napansin ang “kawalan ng buhay” sa kanyang mukha.

Malungkot ang mga mata, walang tamis ang kanyang mga ngiti at maputla ang pisngi. Narito ang official statement ni Ara sa isyung hiwalayan nila ni Mayor Patrick.

“Para sa mga kaibigan at tagasuporta namin ni Pat, maraming salamat sa inyong concern. Ang aming pinagdadaanan sa ngayon ay bagay na hindi lamang sa amin nangyayari as a couple.

“Ito ay isang pagsubok na nararanasan ng mga taong nagmamahal at at nasa isang relasyon. Kung anuman itong pagsubok na aming hinaharap sa ngayon, naniniwala akong malalampasan namin ito.

Dugtong pa ni Ara Mina, “Hinihiling ko po ang inyong malalim na pangunawa at dasal alang-alang sa aming anak. Maraming salamat po.”

Kasabay nang ipinadalang statement ni Ara, nalaman namin na kasalukuyang nasa Hongkong daw si Mayor Patrick, at diumano, kasama raw niya sa Hongkong ang kaibigan niya at mayor din ng Bulacan na si Enrico Roque.

 

Read more...