NANINIWALA ang future husband ni Toni Gonzaga na si direk Paul Soriano na mapapatumba ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather sa nalalapit nilang laban sa MGM Grand Arena sa Amerika.
Sa presscon ng pelikulang “Kid Kulafu” na idinirek ni Paul, sinabi nitong malakas ang laban ng Pambansang Kamao kay Mayweather dahil bukod sa matinding training na pinagdadanan nito ngayon, buong-buo pa rin ang suporta ng mga Pinoy kay Manny.
Ang “Kid Kulafu” under Star Cinema at Ten17 Productions, ay kuwento ng kabataan ni Pacman – bago siya hiranging People’s Champ nakilala muna siya bilang si Kid Kulafu. Sabi ni direk Paul, talagang nakipagtulungan si Manny sa kanila para mabuo ang pelikula.
“This film reminds him of where he came from. He came from nothing. He mentioned that in his press conference with Floyd (March 12 sa Las Vegas). This movie brought him back to those days where he was Emmanuel, Quiao, Manuel, Wel—that was his name before.
“Every time he would talk, especially in the early part – Floyd was there also – you could see that he gets emotional when he talks about his mother (Dionisia Pacquiao),” kuwento ni direk Paul.
Dugtong pa ng fiancè ni Toni, “He said something to me that really hit me. Not verbatim, but something like, ‘Oh, you know, yung boxing nakikita mo ngayon sa TV na-knockout ako, nagte-training, lahat ‘yan hindi ‘yan sakit para sa akin.
“Yung sakit, yung walang bahay, walang pagkain, walang pamilya. ‘Yan ang masakit. Yung sa boxing, ‘pag mana-knockout pa ako, at least may pera (at) may pamilya ako.
Pero nu’ng bata ako, wala akong bahay,'” chika pa ni direk Paul na ang pamilya ay close rin kay Pacman. Natutuwa rin si Paul na nagustuhan ni Manny ang kabuuan ng “Kid Kulafu” na showing na sa April 15 nationwide, “He’s really proud of the film and he’s hoping that this can also inspire all the Filipinos to rally behind him as he gets into that ring and hopefully knocks out Mayweather.”
Hirit pa ng guwapong direktor, “Win or lose, he’s got my support, and I think every Filipino can say that too.” Kasabay nito, kinumpirma ng direktor na nahihirapan din silang kumuha ng ticket sa laban nina Pacman at Mayweather, “Even Manny himself doesn’t know when the tickets are coming out.
Mayweather is controlling everything. That’s why the only difference is Mayweather is controlling all now, but on May 3, Manny will knock him out!”