Kapuso stars pinaligaya ang mga taga-Dapitan

dapitan

Nagmistulang isang malaking playground para sa 12 celebrities ang world-renowned Dakak Park and Beach Resort sa Dapitan City, Zamboanga del Norte nang ganapin ang “Kapuso Weekend in Dapitan” noong Marso 20 at 21.

Sa kabila ng matinding init ngayong summer season, na-enjoy nang husto ng Kapuso stars ang pagbabad sa paraiso ng Dapitan.Bukod dito, nagpasiklaban din ang Kapuso stars sa isang sporting event matapos mahati sa dalawang kuponan—ang Aliguay na binubuo nina Mike Tan, Alden Richards, Gwen Zamora, JC Tiuseco, Mark Herras at Rochelle Pangilinan; at ang rival team na Dakak nina LJ Reyes, Andrea Torres, Benjamin Alves, Geoff Eigenmann, Louise delos Reyes at Rafael Rosell.

Sa loob ng dalawang araw, nagpalakasan ang Aliguay at Dakak sa iba’t ibang beach activities gaya ng Tri Fit Relay, Dakak Honeymoon Relay, Kayak O’yan, Take it Off, at Kapuso Outdoor Challenge.

Na-witness ng ilang resort guests kung gaano ka-game ang mga miyembro ng dalawang teams sa challenges. Wagi ang Team Aliguay at tinanghal namang Most Valuable Players sina Geoff at Gwen.

Nang tanungin si Gwen kung ano ang kanyang top travel destination sa bansa, “I would say Dakak is my perfect summer vacation. Seriously! The weather here is nice and I would definitely come back here.”

Agree naman dito si Benjamin na namangha rin sa ganda ng Dakak. “I really think Dakak is a nice place. Sana next time makabalik ako. With the Kapuso Weekend naman, walang kapaguran na competition ang na-experience namin, sobrang nakakapagod pero it was really fun.”

Samantala, nabigyan ng chance ang Kapuso stars na maki-mingle sa kanilang fans sa pamamagitan ng Kapuso Zumba noong day one at Kapuso Reggae Night noong day two.

Bumida rin ang iba’t ibang talento ng GMA artists sa pamamagitan ng Kapuso Night na inabangan at the end of each day na ginanap sa Gloria’s Fantasyland, ang world-class theme park ng Dapitan.

Nagsilbing event hosts para sa two-day summer event sina Pekto Nacua at Boobay, with DJ Rico Robles. “We’re proud and honored to have been given the opportunity to mount big summer activities in Western Mindanao.

We would like to extend our sincerest gratitude to Dakak Park and Beach Resort and Gloria’s Fantasyland not just for trusting GMA Network with this project but also for being wonderful and accommodating hosts as well.

Without the full support of our Kapusong Dapitanons, the Kapuso Weekend in Dapitan would not have been possible,” ani Oliver Amoroso, Head ng Regional Strategy and Business Development Division.

Mapapanood ang highlights ng “Kapuso Weekend in Dapitan” sa two-part Let’s Fiesta TV Special na ipapalabas sa Abril 12 at 19 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.

Read more...