Petron susukatin ng Cignal

Mga Laro Ngayon
(Alonte Sports Arena)
4:15 p.m. Foton vs Mane ‘N Tail
6:15 p.m. Cignal vs Petron
Team Standings: Petron (3-0); Foton (2-1); Shopinas (2-20; Mane ‘N Tail (1-2); Cignal (1-2); Philips Gold (1-3)

LALAPIT ang Petron sa isang laro para walisin ang first round elimination sa pagsukat sa Cignal sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference ngayon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Tampok na laro ito dakong alas-6:15 ng gabi at hanap ng Lady Blaze Spikers ang kumbinsidong panalo para maisantabi ang 21-25, 20-25, 25-21, 25-16, 15-9 dikitang tagumpay kontra sa Shopinas sa huling asignatura.

Sina Dindin Santiago-Manabat, Aby Maraño at Rachel Ann Daquis ang mga aasahan uli para sa Petron na dapat na maging handa sa palabang HD Lady Spikers na tinapos ang dalawang sunod na pagkatalo nang daigin ang Philips Gold, 25-18, 25-16, 25-15, sa huling laro.

Bago ito ay magtutuos muna ang Foton at Mane ‘N Tail sa ganap na alas-4:15 ng hapon at nais ng Tornadoes ang mailista ang ikatlong dikit na tagumpay para manatili sa ikalawang puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

Ang pagtutulungan nina Nicole Tiamzon, Angeli Araneta at Patty Orendain ang huhugutan pa rin ng lakas ng Tornadoes para mapanatili ang agwat sa ibang koponang naghahabol sa pangalawang puwesto.

Read more...