Sylvia Sanchez awang-awa sa asawa, inoperahan sa likod

arjo atayde

IBANG klaseng ina talaga itong kaibigan nating award-winning actress na si Sylvia Sanchez. Kahit gaano pa siya ka-busy sa kaniyang work, first priority pa rin niya ang kaniyang mga anak.

Four amazing children na maliban sa napakagaganda at kay guguwapo, napaka-marespeto at mababait na bata talaga. Dalawa sa mga anak niya ay nasa showbiz – ang mahusay na young actor na si Arjo na super baby ko at ang sister nitong si Ria na napaka-pretty na bata.

Ang dalawang bunso (boy and girl din) ay dapat ding abangan dahil equally-beautiful and handsome pareho. Walang hipon sa mga anak ni Sylvia. Ha-hahaha!

“Nakakatuwa lang dahil everytime na may nakakasalubong ako, palagi nilang sinasabing sobrang matulungin at ang bait ni Arjo kahit sikat na.

Hindi nila alam ang feeling ko bilang ina, kami ni Art (her husband), kung gaano kami ka-proud pag naririnig namin ang mga papuri nila. Kasi, hindi na ang pagiging aktor ang pinupuri nila, yung character na at bilang magulang, nakakataba ng puso iyon.

“Dahil doon namin nari-realize na mabuti kaming magulang dahil napalaki namin nang maayos ang mga anak namin. Kasi nga, ito ang mga bagay na hindi nabibili ng pera – na hindi mo puwedeng daanin sa magic. This lives with them mula pagkabata.

“Pareho kaming tutok ni Art sa mga bata. Kahit nasa shooting or taping ako, I always check on them kung saan man sila. Tulad nitong si Arjo na naging busy na rin sa kaniyang showbiz career, we make sure na updated kami sa lahat ng ginagawa niya at kung sinu-sino ang mga binabarkada niya.

“Mas gusto naming doon na lang sila mag-party sa bahay kaysa kung saan-saan sila pumupunta. Every weekend din, we always make sure that our whole family bond together.

“Kasi, di ba? Bilang magulang, di baleng magkandakuba ka sa katatrabaho mabigyan lang ng magandang buhay ang mga anak mo. Unang-una palagi, they have to finish school.

Pag nakatapos sila, tsaka na lang sila mamili ng karerang tatahakin nila and nandito lang kami to give them our more than 100% support. Salamat naman sa Diyos at lumaking maayos ang mga bata, na may takot sa Panginoon at mapagmahal sa kapwa,” sabi pa ng kaibigan nating proud mom.

Hindi na naman bago sa amin ang kabaitan ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde. Mahusay silang mag-estima ng mga kaibigan, napaka-sincere nila sa friendship kaya hindi na kami nagtaka kung ganoon kababait lumaki ang mga anak nila.

“Busog sa pagmamahal ang mga iyan, at busog din sa pangaral. Hindi puwede sa akin ang magloka-lokahan sila, matalak ako minsan. Parang music to their ears na rin siguro sa kanila ang ingay ng bibig ko pag nabubuwisit ako.

But we have so much respect for each other, ako ang nanay nila kaya dapat lang na makinig sila.”Sa karera naman ni Arjo, hindi kami nakikialam ni Art, hindi kami ang nagpapatakbo ng kaniyang showbiz career.

Meron siyang handlers sa Star Magic. Nandiyan si Nenette na nag-aalaga sa kaniya.”Kasi ang pag-aartista ay hindi biro – hindi puwedeng basta ituro na lang sa iyo ang tamang pag-arte kung wala ka talagang talent.

It’s either you have it or not. At ang masabihan ka ng mga di mo naman kakilalang ang bait ng anak mo, feeeling summa cum laude ako sa galak,” she said.

“Natutuwa nga ako dahil tuloy-tuloy ang work niya and everytime na may bago siyang proyekto, palaging may bago siyang ipinakikitang kahusayan. Nakaka-proud, di ba? At ang masabihan ka ng mga di mo naman kakilalang ang bait daw ng anak mo, feeeling summa cum laude ako sa galak,” Sylvia adds.

Nalulungkot nga lang kaming mga kaibigan ni Sylvia dahil ang asawa niyang si Papa Art ay inoperahan ulit sa spine. But thank God, maayos na ito ngayon. By tomorrow ay makakaupo na siyang muli sa ilang araw na paghiga.

“Last Black Saturday evening kami umuwi from Batangas and Easter Sunday ay sinugod namin ulit si Art sa hospital dahil bumuka ang tahi sa opera niya sa spine. But he’s much better now.

Naaawa nga ako sa asawa ko dahil alam kong painful ang procedure na iyon. Pero wala eh, kailangan niyang magpaopera kaysa mabaldado siya for life,” pahayag pa ni Sylvia.

Anyway, speaking of Arjo, he is guesting sa bagong serye ng Dos na Nathaniel. And by mid of this month ay magsisimula na sila ng isang serye with JaDine (James Reid and Nadine Lustre) for ABS-CBN.

Arjo will play a bida-kontrabida character dito. Also, pinayagan na rin siya ng Star Magic na mag-guest sa pre-birthday concert ko sa Teatrino (Promenade, Greenhills) this coming Wednesday, April 15 led by our other baby Michael Pangilinan.

Makakasama ni Arjo as guest sina Allan K, Richard Poon, Shirley Mauleon and Ms. Elizabeth Ramsey. Mind you, Arjo sings very well. Narinig ko na siyang kumanta at maganda ang laban nito sa concert scene.

I once saw a video recording ni Arjo, ang ganda rin ng timbre ng boses kaya pinakiusapan ko itong mag-guest kahit two songs lang and pumayag naman.

Read more...