RHIAN, KC bina-bad trip si DJ MO

Lantad na raw kasi ang kanilang relasyon

Inamin na rin finally ni Rhian Ramos na madalas silang magkasama ni KC Montero.

Pero sabi pa ni Rhian, sa ngayon ay focused siya sa kanyang career.

Ito ang kanyang priority at hindi ang love.

But what she did not admit ay kung sila na talaga ni KC.

Sabi pa niya, wala pa siyang panahon sa pag-ibig ngayon.

Mas mabuti na raw na makilala muna niya nang matagal si KC bago siya mag-jump into a relationship.

Isa raw iyon sa mga natutunan ni Rhian when it comes to love – na kailangang kilalanin muna niya nang maigi ang sinumang lalaking kanyang mapupusuan.

But we think na sila na nga ni KC.

Marami ang nakakakitang more than friends ang gestures nila when they go out.

Siguro nga ay hindi lang nila maamin sa ngayon ang kanilang relasyon because it is too soon.

Ang nakakaloka rito, si KC ay best friend ni Mo Twister na siyang ex-boyfriend ni Rhian.

Read more...