LRT may libreng sakay sa mga beterano simula ngayong araw hanggang Sabado

LRT

LRT

MAKAKASAKAY ng libre ang mga beterano sa LRT 1 at LRT 2 simula ngayong araw hanggang Sabado.
Sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ito ay bilang bahagi naman ng paggunita bukas ng Araw ng Kagitingan at ng Philippine Veterans’ Week ngayong linggo.
Ayon sa LRTA, epektibo ang libreng sakay simula Abril 7 hanggang Abril 11 na nagsimula ganap na alas-5 ng madaling araw.
Idinagdag ni LRTA na ipapakita lamang ng mga beterano ang kanilang ID para sa libreng sakay.

Read more...