Sosyal: Willie nagpatayo ng bagong studio para sa Wowowin

willie revillame

Isang bagung-bagong studio ang ipinatayo ni Willie Revillame para sa bago niyang game show sa GMA 7, ang Wowowin na magsisimula na sa April 26, Sunday.

Tuluy-tuloy na ang ginagawang paghahanda ng sariling production ni Willie para sa pagbabalik niya sa telebisyon at paglipat nga sa bago niyang tahanan.

Napag-alaman na nagdesisyon si Willie na magpatayo ng bagong studio para sa Wowowin, at ito’y matatagpuan sa Kalayaan Avenue sa Quezon City.

Halos araw-araw itong binibisita ni Willie para masigurong magiging maayos ang bawat detalye ng studio. Ayon kay Willie, maraming mga bagong segments ang mapapanood sa Wowowin, kabilang na ang “Bigyan ng jacket!” na pinauso rin ng TV host-comedian.

Read more...