Bea pinatunayan kay Zanjoe na walang baby sa tiyan niya

zanjoe marudo

Nasulat namin ang kumakalat na chismis na buntis ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Quick to react, Star Magic, Bea’s management company, denied the rumor. Meron daw presscon si Bea for a product endorsement before the Holy Week but she was not permitted to answer the rumors.

Pero hindi nagpaawat si Bea. Sa kanyang Instagram account na @beaalonzo ay itinanggi ng aktres na buntis siya. Noong April Fool’s Day siya nag-post ng ganitong message: “hey everybody!!! still enjoying sakura viewing here in japan.

Siguro nman di namin ma-eenjoy talaga ang bakasyon at ang ganda ng bansang ito kung papansinin namin ang katawatawang chismis.. sayang ang pamasahe! haha!”

Sa Japan nag-Holy Week sina Bea at Zanjoe Marudo. “The RUMOR of me being pregnant is NOT true!!!” she stressed.
“May we all have a meaningful and peaceful week.

Let’s all go back collecting good vibes and happy memories. God bless you all! #notpregnant,” dagdag pa niya. Take note, ang hashtag na kanyang ginamit ay “not pregnant”.

But according to Zanjoe, in one interview, sinabi niyang handa na siyang maging daddy pero hindi pa siya sure kung ready na rin si Bea. But kung siya ang masusunod, gusto na rin niyang maging daddy dahil mahilig daw talaga siya sa mga bata.

So, ibig sabihin, walang problema kung mabuntis man niya ang kanyang dyowa.

Read more...