Sulat mula kay Karen ng Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
1. Malaki ang problema ko sa ngayon, kasi nabuntis ako ng boyfriend ko at ang buong akala ko ay papakasalan nya ko, dahil yon ang pangako nya. Pero hindi na ito mangyayari dahil inamin nya na sa akin nito lang na huli kaming nagkausap na may asawa at pamilya na daw siya. Ang gusto nya ngayong mangyari ay ipalaglag ko na lang ang baby, pero hindi ako pumayag. Kung ganon daw, uuwi muna siya sa probinsya nila at kakausapin nya ang kanyang asawa, kung saan parang ang gusto nyang sabihin makikipag-hiwalay na daw siya sa asawa nya para habang buhay na kaming magkasama. Ang tanong ko totohanin kaya nya ang pangako niyang ito? At sa sandaling umuwi siya sa probinsya nila, natatakot ako baka hindi na siya bumalik? Ano sa palagay nyo, babalikan pa kaya ako ng boyfriend kong ito kahit na may asawa na siya? November 4, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sa pagluha at pagiging dalagang ina mauuwi ang kasalukuyan niyang relasyon ng boyfriend mong may asawa na, kung saan ito ang nais ipahiwatig ng dalawang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Tanda na dalawang beses kang “makapag-aasawa” o magkakaroon ng seryosong relasyon, ang una ay mawawala at hindi mo makakatuluyan pero maanakan ka niya, (arrow 1.), habang ang ikalawa na paparating palang ang mananatili at iyo na ngang makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya. (arrow 2.).
Cartomancy:
Jack of Spades, Two of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa unang pag-ibig at pakikipag-relasyon may matinding kalungkutan at pagtatalusira na mararanasan, ngunit sa ikalawang relasyon na paparating palamang may isang maligaya at pang habang buhay ng pag-ibig na mararanasan hatid ng isang lalaking may initial na R.Y.
Itutuloy….