Twitter account ni Angelica Panganiban na-hack din

Na-hack yata ang Twitter account ni Angelica Panganiban.

Naloka kami sa latest post nito, halatang-halata na hindi siya ang nag-message.

“So happy. Para akong na-dedevirginize tuwing nagtotorjackan kami ni Lloydie. Yung pototoy kasi ni Derek sobrang tiny! Di ko like!”

‘Yan ang nakakalokang message na nabasa namin sa Twitter account ni Angelica na may 4.63 million followers.

Actually, panay pa ang post ni Angelica ng photos nila ni John Lloyd Cruz na kuha sa kanilang bakasyon noong Holy Week.

Sino kaya ang nang-hack ng Twitter account ni Angelica at bakit kaya niya binastos ang dalaga? Ano kaya ang matinding galit niya sa dyowa ni John Lloyd.

Halatang bastos at walang pinag-aralan ang nag-post ng message using Angelica’s Twitter account. Bangag siguro siya nang mag-post siya.

Matindi siguro ang galit niya at inggit kay Angelica.

Naku, Angelica, ipaimbestiga mo nga kung sino ang nang-hack ng account mo nang maparusahan.

Read more...