Horoscope, April 06, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil birthday mo naman ngayon, mas mainam na maghanap ng pulubi sa kalye at bigyan mo ng kaunting makakain. Sa ganyang kilos ng pag-ibig, lalo kang susuwertehin at mas magiging maligaya. Mapalad ang 3, 6, 19, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Pranidhana-Om.” Pink at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi puwedeng magpa-easy-easy, kung ganyan kang lagi, paano ka yayaman? Seryosohing mabuti anomang ginagawa upang mas madali umunlad at magkapera. Sa pag-ibig, seryosohin mo na rin ang kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ujalam-Sarvatha-Om.” Blue at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ngayon palang, yakapin na ng mahigpit ang mga mahal sa buhay. Ipalasap sa kanila ang init ng iyong pag-ibig. Magluto ng masarap na menu at kumain ng sabay sabay ang pamilya. Ituring mong huling araw ang lahat, upang umunlad ka at lumigaya. Mapalad ang 3, 9, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om” Lilac at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Iwasang ipagmayabang ang kaunting kabuhayan. Mag-ingat sa mangungutang! Sa pag-ibig, sapat ng ikaligaya ninyo ng iyong kasuyo na medyo angat na kayo sa buhay. Mapalad ang 5, 14, 28, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Red at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag kang arya ng arya. Hingin ang opinyon ng kasuyo bago simulan ang isang mahalagang proyekto. Sa sandaling nag-combine force kayo ng kasuyong Capricorn, mas mabilis na uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 5, 14, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Arham-Namah-Om.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Bago ka magpayo sa mga kaibigan, payuhan muna ang sarili! Nasa tama at matuwid ka bang landas? Kung hindi, mas mainam pang manahimik ka na lang, kaysa mabisto pa ang mga ginagawa mong kapalpakan. Mapalad ang 6, 19, 28, 23, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avah-Yara-Devah-Om.” Yellow at pink ang buenas

Virgo – (August 23 – September 22)—Dahil sa pagsisipag, lumilinaw na ang iyong pagyaman! Kapag mayaman ka, wag kakalimutan ang mga kamag anak. Sa ganyang paraan, sa iyong pagtanda, may mag-aaruga sayo at higit kang mas magiging maligaya. Mapalad ang 5, 17, 25, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Homa-Karin-Japa-Om.” Blue at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May babala ng karamdaman. Kumain ng maraming gulay at prutas, at uminom lagi ng maraming tubig. Mamayang gabi, magpa-hagod ng noo at magpamasahe sa iyong minamahal. Mapalad ang 6, 12, 24, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Dalawin ang isang dating kaibigan! Sa ganyang paraan, may suwerteng balita kang matatanggap na may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, upang lumigaya mag hanap ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 9, 18, 22, 27, 35 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Deva-Om.” Violet at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit na bigo ka sa ngayon, alalahanin mong may bukas pa! Kung bigo at malungkot parin bukas, alalahanin mong may mga araw pang darating. Laging maging positibo sa buhay upang tuloy-tuloy na dumating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Red at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Hindi lang pera ang mahalaga, mahalaga din ang pakikipagkapwa tao. Umpisahan ng tumulong sa mga mahihirap upang kapag namatay ka may legacy kang maiiwan. Sa pag-ibig, wag pagsungitan ang minamahal, baka bigla siyang mawala. Mapalad ang 7, 9, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Yama-Om.” Blue at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—May paglalakbay na iaalok ang isang kaibigan! Sunggaban agad, kaysa tutunga-tunganga ka lang dyan! Sa pinansyal, hindi ka uunlad kung laging nasa bahay lang. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 4, 31, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babalam-Devah-Om.” Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Dahil tapat ang pag-ibig na inuukol mo sa iyong kasuyo, hindi ka dapat mag-alinlangan sa kanyang pagmamahal. Sabi ng iyong tadhana, anoman ang magaganap happy family parin ang ending ng lahat – mag celebrate na ngayon, iblow out ang pamilya sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jovecal-Yama-Om.” Yellow at beige ang buenas.

Read more...