MARIAN sinisi sa ‘PAGBUBUNTIS’ ni SHEENA HALILI

Si Marian Rivera ang nagdadala ng mangga, si Sheena Halili ang napagkamalang buntis.

Start of finale week ng My Beloved nina Marian and Dingdong Dantes sa TeleBabad after Makapiling Kang Muli.

There is a final twist in the ending but we’re not allowed to say but let’s give one clue, it will happen in a church.

Alam n’yo naman, dalawang pangyayari lang ang nangyayari sa simbahan, hindi ba?

Anyways, nakakatawa ang kuwento ni Marian sa nangyayari sa kanila ni Sheena sa other show nilang Tweets For My Sweet.

Palagi raw kasing nagdadala si Marian ng mangga at bagoong sa set ng sitcom nila na kinahihiligan nila ni Sheena na kainin. Ang ending, si Sheena ngayon ang natsitsismis na buntis courtesy of boyfriend Rocco Nacino.

While nagwu-worry si Sheena, isa lang ang payo ni Marian sa kanya, huwag pansinin ang tsismis.

Siya nga raw ilang beses nang na-tsismis na nagkaanak dapat daw 10 na ang anak niya kung totoo man, so part of being a showbiz personality lang ang ganitong tsismis.

Ang ikinatawawa nga ni Marian, siya ang taga-dala ng mangga.

By the way, kaya nagpahuli si Marian sa Canadian trip nila is to do advanced taping for Tweets For My Sweet.

Read more...