Vhong pinayagang gumimik ng abogado, pwede nang manood ng PBA Game

vhong navarro

Paminsan-minsan ay nakikita na ring lumalabas-labas si Vhong Navarro kasama ang kanyang mga kaibigan. Kapag may panahon siya ay nanonood siya ng PBA, maganda naman ang ganu’n, hindi naman siya puwedeng mabuhay na puro trabaho-bahay lang ang rutina ng kanyang buhay sa araw-araw.

Tuluy-tuloy ang pagdinig sa mga kasong isinampa niya laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at sa iba pang mga kasamahan nito. Nu’ng una ay hindi puwedeng mag-ikot sa kung saan-saan ang actor-dancer-TV host dahil pinagbabawalan siya ng kanyang mga abogado.

Mahirap na nga naman, hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan niya, kaya halos isang taon siyang walang pinupuntahang iba kundi ang tawag lang ng kanyang trabaho.

Nag-isang taon na nu’ng Enero ang kanilang labanan, nakulong at nakalaya na ang kanyang mga kalaban sa kaso, wala pa ring sariling buhay ngayon si Vhong Navarro.

Siguradong miss na miss na niya ang buhay na malaya, walang kasingsarap ang pagkilos na walang kinatatakutan, at napakasarap mabuhay na may kapayapaan ng kalooban.

Sana nga, isang araw, ay matuldukan na ang mga problemang pinagdadaanan ng actor-dancer-TV host.

Read more...