Umiiwas daw kapag nagkakasalubong sa ABS
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtatanggol ni Derek Ramsay sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.
May isa kasi siyang follower na nakabasa ng article about John Lloyd Cruz who was sighted nang pumunta ito sa condo ni Angelica.
When queried about it, sinagot ito ni Derek ng may halong pagtatanggol sa kanyang ex-girlfriend, “I’m sure that it’s not true,” tweet ng hunk actor.
So, up until now ay hindi pa rin talaga naniniwala si Derek na si John Lloyd ang third wheel sa kanilang split ni Angelica.
Sabi nga ng aming source, si Derek lang yata ang hindi kumbinsido na may kinalaman si Lloydie sa kanilang hiwalayan. Si Shaina Magdayao raw kasi ay convinced na malaki ang kinalaman ni Angelica sa dati niyang boyfriend na si John Lloyd kaya naman super imbiyerna siya rito.
Tama ba ang tsika sa aming hindi na ngayon nagpapansinan sina Angelica at Shaina?
Well, ayaw naman sigurong magpakaplastik ni Shaina kaya hindi n’ya pinapansin si Angelica whenever their paths cross.
Ikaw ba naman, alam mo na ngang siya ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay ng dyowa mo, magpapaka-sweet ka pa ba?
Tama lang na dedmahin ni Shaina si Angelica kesa naman harapin pa niya ito at away-awayin?
Walang breeding lang ang gumagawa ng ganu’n.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.