PH women’s volley team training sisimulan na

SISIMULAN ngayon ang paghahanda ng Pilipinas para sa 1st Asian U23 Women’s Championship at 28th SEA Games sa Singapore sa pagkikita ng mga manlalaro at coaching staff  sa Blue Eagle Gym sa Ateneo de Manila University campus sa Quezon City.

Pangunguahan nina Roger Gorayeb at Sammy Acaylar ang mga coaches na sasalubungin ang mga manlalarong inimbitahan para makabilang sa pambansang koponan na maghahangad ng disenteng pagtatapos sa dalawang malalaking kompetisyon sa Mayo at Hunyo.

Mangunguna sa mga inimbitahan para sa U23 team ay ang mga MVPs ng UAAP at NCAA na sina Alyssa Valdez at Gretchel Soltones na kinumpirma ang pagdalo.

Si LVPI president Jose Romasanta ay dadalo rin sa kaganapan na magsisimula sa ganap na alas-3 ng hapon at ang iba pang manlalaro na nagkumpirma ng kahandaan na isuot ang uniporme ng bansa ay sina Jia Morado, Bea De Leon, EJ Laure, Ria Meneses, Jaja Santiago, Kim Fajardo, Tin Agno, Nicole Tiamzon at Christine Rosario.

Sina Dindin Santiago-Manabat at Myla Pablo ay sasali rin sa koponang sasabak sa U23 event na gagawin sa bansa mula Mayo 1-9.

Read more...