May asawa ang BF (2)

Sulat mula kay Lyn ng South Vill Country Homes, Ma-a, Davao City
Problema:

1. May boyfriend ako sa ngayon ang problema may asawa na po siya. Pero sabi nya sa akin pinilit lang daw siyang pakasal ng mga magulang nya sa kasalukuyan niyang asawa kahit hindi nya ito mahal. At ng natagpuan nya na daw ako handa daw siyang iwanan ang kanyang asawa para mag-sama na kami. Itatanong ko lang kung kahit kaya may asawa siya may pag-asa kayang kami pa rin ang magsasama habang buhay pagdating ng panahon.
2. Ang sabi niya kasi sa akin ay kumukuha lang siya ng pagkakataon, iiwan nya din daw at hihiwalayan ang kanyang asawa upang kami na daw ang magsama habang buhay. Totohanin kaya nya ang pangako niyang ito sa akin o baka binobola nya lang ako? Kung hindi siya, may darating pa kayang ibang lalaki na makakasama ko habang buhay kahit na 32 na ang edad ko sa kasalukuyan? September 4, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Lyn ng Davao City
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo a (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang iyong makikilala sa susunod na taong 2016 kung makikipag-break or makikipag-kalas ka na ngayon sa kasalukuyan mong BF na may asawa na.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing ang lalaking makakasama at mapapangasawa mo na binata, na darating sa 2016 ay isinilang sa petsang 1, 10, 19, o kaya’y 28.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang nasabing pag-aanalisa sa itaas, ang makapag-asawa ka ng binata, lagi kang magsuot ng damit na kulay dilaw at gray. Sa nasabing kulay ng damit, malalayo ka nang tuluyan sa kasalukuyan mong BF na may asawa na, at sa piling ng isang binata habang buhay ka ng liligaya.
Huling payo at paalala:
Lyn ayon sa iyong kapalaran panahon na upang hiwalayan mo ang kasalukuyan mong ka-relasyon na lalaking may asawa na, upang pagsapit ng taong 2016, gumanda at maging maayos na ang iyong love life. Tulad ng nasabi na sa nasabing panahon sa edad mong 33 pataas, isang binata na Capricorn ang darating, siya na ang mapapangasawa mo at makakasama habang buhay sa pagbuo ng isang maunlad at maligayang pamilya.

Read more...