BALAK mo bang manood ng Manny Pacquiao- Floyd Mayweather Jr. fight sa pamamagitan ng Pay-per-view? Kung talagang atat kang mapanood ng “live” ang laban ng dalawa sa Mayo 2 (Mayo 3 sa Pilipinas), maghanda-handa ka nang mas malaking pera.
Ayonsa ulat ng Wall Street Journal, ang pay-per-view television cost ng welterweight unification bout ay papalo sa record-breaking $99 para sa high-definition habang $89 para sa standard.
Ang huling bayaran sa pay-per-view ay nasa $74.95 para sa HD at $64.95 para sa standard.
Nakatakdang tapusin ng HBO at Showtime ang “deal” nila para rito sa susunod na linggo, ayon sa WSJ.
Ayon pa sa WSJ, inaasahan na posibleng umabot sa $300 milyon ang kikitain ng Pacquiao-Mayweather fight sa PPV, at tatalunin ang rekord nitong $152 milyon na kinita noon sa laban ni Mayweather kay Saul “Canelo” Alvarez.
Sa nasabing kita sa PPV, $120 milyon ang siguradong mapupunta kay Mayweather jabang $80 milyon naman ang kay Pacquiao.