Miriam Quiambao: Feeling ko lagi na lang akong first runner up!!!

miriam quiambao

Inamin ni Miriam Quiambao na “nairita” siya sa feeling na number one pa rin sa puso ng husband niya na si Ardy Roberto ang yumao nitong misis.

Na-sense ni Miriam ang ganitong feeling noong after ng wedding nila ay itinira na siya ni Ardy sa bahay nito na siya ring unang lovenest nila ng kanyang yumaong asawa.

Binigyan raw siya ng budget ni Ardy to renovate the house as she pleases. Pero ang siste, nakukulangan siya sa budget na binigay sa kanya and she feels she needs more para sa gusto niyang design for renovation.

“Feeling ko lagi na lang akong first-runner up (and not the titleholder),” sambit niya sa show ni Mareng Winnie na Pasaway sa GMA News TV.

Remember nasilat din si Miriam para maiuwi ang titulong Miss Universe and she ended up as first runner-up. This time, she felt second placer pa rin siya sa puso ni Ardy dahil mananatiling number one dito ang kanyang unang misis.

At na-sense daw ‘yun ni Ardy agad kaya kinausap niya si Miriam. He told Miriam that yes, his wife will always be in his mind at hindi na mabubura ‘yun.

Pero nasa heaven na ang misis niya at ‘pag nandoon na raw tayong lahat, wala nang asawa-asawa. Instead, lahat ay magkakapatid na lang.

“So, you are my wife now here on earth,” diin ni Ardy. Walang pretension naman na sinabi ni Miriam na after their wedding, bonggang-bongga naman daw ang kanyang sex life.

Kasi wala nga raw siyang sex life for four years simula noong mahiwalay siya sa kanyang ex-hubby.

Read more...