Video na ginawa ni Binoe para sa baby nila ni Mariel nakakaiyak

mariel rodriguez

Tanggap na tanggap na ni Robin Padilla ang pagkawala ng una sana nilang baby ni Mariel Rodriguez.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Robin ang very touching and emotional video na may titulong “Day of Acceptance” and “Day of Letting Go.” Very emotional din ang song na ginamit bilang background sa video, “In The Arms of An Angel” na inawit ni Sarah McLachlan.

Nasa video ang iba’t ibang baby dresses na dapat sana ay susuotin ng isisilang na sanggol ni Mariel. Sosyal ang mga baby dresses, ha. Gucci lang naman ang brand nito.

Sa Asian Hospital and Medical Center nagparaspa si Mariel. Pumayag na kasi siyang ipatanggal ang patay na fetus sa sinapupunan niya.

Read more...