outbrain

Bea naglabas ng ebidensiya para patunayang di buntis

By Alex Brosas April 02,2015
share this

Bea naglabas ng ebidensiya para patunayang di buntis

By Alex Brosas April 02,2015
share this

bea alonzo
ITINANGGI ng Star Magic management na buntis ang alaga nilang si Bea Alonzo.

Ayon sa statement, paano raw mabubuntis si Bea gayong busy ito sa shooting ng movie niyang “Crossroads.” And as if to quash pregnancy rumors, Bea posted a series of photo on her Instagram account para ipakitang hindi true ang latest chismis sa kanya.

One is a jumping photo para ipakitang hindi siya nagdadalang-tao. Kuha ito sa isang bulubunduking lugar. Another is one shot where she is clad in a tight maong pants. Hapit na hapit ang pantalon niya kaya walang baby bump.

Still, another showed here in the waters, naka-scuba-diving gear siya. Siyempre, kung buntis ang isang tao ay iiwasan niyang mag-scuba dive, right?

Mabuti at maagap ang Star Magic sa pag-issue ng denial. Hindi na nila pinatagal pa ang kontrobersiya at nagbigay kaagad sila ng pahayag.

For us kasi, hindi ang tipo ni Bea ang magpapabuntis na lang basta-basta sa boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. We feel na conservative pa ring babae itong si Bea pagdating sa mga ganitong bagay.

Pero malay di natin, baka sa kaka-travel nila ni Zanjoe, e, bigla na lang siyang ma-preggy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending