Chedeng mararamdaman na sa Biyernes

Pagasa

Pagasa

Mas lalo pang lumakas ang bagyong Chedeng habang lumalapit ito sa kalupaan ng bansa.
Mula sa bilis ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras noong Martes, kahapon ay umakyat na ito sa 215 kph at pagbugsong umaabot sa 250 kph.
Bahagyan namang bumagal ang bagyo na nasa bilis na 17 kph mula sa 20 kph kamakalawa.
Kagabi o ngayong umaga inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. May international name itong Maysak.
Sa Linggo inaasahang magla-landfall ang bagyo sa northern of central Luzon pero sa Biyernes Santo ay posibleng maramdaman na umano ang epekto nito.

Read more...