Nagbabala ang MTRCB sa lahat ng bus operators at iba pang PUV companies na bibiyahe sa mga probinsiya ngayong Holy Week hinggil sa pagpapalabas ng mga pelikula sa kanilang mga units.
Babantayan ng mga taga-MTRCB ang mga bus terminals at mga pier sa bansa para masigurong walang lalabag sa mga panuntunan ng MTRCB sa pagpapalabas ng mga pelikula habang bumibiyahe.
Kailangang masiguro nila na puro general patronage ang mga pelikulang ipalalabas sa mga bumibiyaheng sasakyan lalo na ngayong Senama Santa.
Mag-iikot ang mga operatiba ng MTRCB para ipaalala sa mga operator at driver na hindi maaaring magpalabas ng mga pelikulang bawal sa bata sa mga public utility vehicles, lalo na ang mga may rating na SPG o strict parental guidance.
Siniguro pa ni MTRCB chairman Atty. Toto Villareal na magiging mahigpit sila sa pagpapatulad nito at hindi sila mangingiming parusahan ang sinumang lalabag sa batas.
Hinikayat din niya ang madlang pipol na makipagtulungan sa kanila sa kampanyang ito.