Nikki ireregalo ang pagkabirhen sa magiging asawa

bj and nikki
ANG kanyang virginity ang precious gift na maibibigay ni Nikki Gil sa mapapangasawang negosyante na si BJ Albert. Ito na raw siguro ang walang katumbas na regalong maibibigay ng isang bride sa kanyang magiging mister.

Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight sa singer-actress noong Lunes ng gabi, sinabi nitong, “Obviously, whatever you’re thinking, it’s that! I know what it is!”

Dagdag pa ni Nikki, “More importantly, the promise to raise God-fearing children and to create a loving (family).” Alam ng lahat na nangako ang TV host na hinding-hindi siya makikipag-sex hangga’t hindi siya kasal.

May tsismis pa nga na isa ito sa mga naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ng ex-boyfriend niyang si Billy Crawford.

Read more...