Bolts sisimulan ang semis duel vs Painters

meralco bolts

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Meralco vs Rain or Shine
(Game 1, best-of-five semifinals)

HALOS walang pahinga ang Meralco dahil sisimulan nito ang kauna-unahang semifinal series buhat nang maging miyembro ng liga sa pagtatagpo nila ng Rain or Shine sa isang best-of-five affair na mag-uumpisa mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magsasalpukan ang Bolts at Elasto Painters sa ganap na alas-7 ng gabi. Sa kabilang semifinal series na magsisimula bukas ay magkikita naman ang Talk ‘N Text at defending champion Purefoods Star.

Nakabalik ang Bolts sa 20 puntos na kalamangan ng NLEX upang magwagi sa overtime, 91-85, noong Linggo at mawalis ang Road Warriors sa best-of-three quarterfinals. Napanalunan din nila ang Game One, 97-82.

Nakatabla ng Rain or Shine ang Talk ‘N Text at Purefoods Star sa kartang 8-3 sa pagtatapos ng elims. Matapos na gamitin ang quotient ay nakamit ng Elasto Painters ang top spot.

Sa quarterfinals noong Sabado ay naungusan ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra, 92-91, sa isang kontrobersyal na laro.

Tinalo ng Meralco ang Rain or Shine, 92-87, sa kanilang pagkikita sa elims noong Pebrero 10. Subalit sa larong iyon ay si Rick Jackson pa ang import ng Elasto Painters.

Read more...