Annabelle Rama ninakawan daw ng production manager

NAHAHARAP na naman sa panibagong kontrobersya ang talent manager na si Annabelle Rama-Gutierrez matapos nitong ihabla ang production manager ng kanilang reality show.

Sa anim na pahinang complaint na isinampa sa Quezon city prosecutor’s office, inakusahan ni Rama ang production manager na si Regina Estrada.

Ayon kay Rama, hindi umano ibinalik ni Estrada ang mga production equipment na kailangan ng “It Takes Gutz To Be A Gutierrez,” isang reality television show ng pamilya Gutierrez.

Ayon kay Rama, habang isinasagawa ang production ng reality show, walong piraso ng Seagate hard drive na nagkakahalaga ng P71,000; Seagate pocket hard drive na nagkakahalaga ng P3,000; isang power cord na P3,000 ang halaga, at isang Audio Network Music Library na nagkakahalaga ang $3,250, ang inisyu kay Estrada, ngunit hindi na umano naibalik nito ang mga nasabing gamit nang hinging muli ni Rama.

Read more...