Jennylyn magsu-swimming kasama ang mga pating

jennylyn mercado

ISA sa hilig ng bida ng GMA Telebabad series na Second Chances na si Jennylyn Mercado ang diving.

Favorite past time niya ang mag-explore underwater dahil ayon sa kanya kakaibang mundo talaga ito. Kaya’t hindi nakapagtataka na ngayong darating na Holy Week ito ang gagawin niya.

Sa Malapascua in Cebu, diving with sharks ang plano ng award-winning actress. Siyempre, kasama ni Jen sa kanyang pababakasyon ang anak na si Alex Jazz.

Chika pa ng Kapuso actress, sasamantalahin niya ang Holy Week vacation para makapag-bonding sila ng anak nang bonggang-bongga.

Samantala ngayong gabi sa Second Chances: Pinagalitan ni Rebecca (Camille Prats) si Billy (Joshen Bernardo) dahil sa pag-iingay nito sa pinto. Gusto nang umalis ni Billy pero lalong magagalit si Rebecca.

Kasama si Jerome (Rafael Rosell) ng mga pulis na nagpunta sa mansion nina Federico (Roi Vinzon) dala ang search warrant para hanapin si Rebecca. Tutol man sa umpisa pero wala ring nagawa si Federico.

Ibinalita naman ni Sam kay Dustin (Marc Abaya) ang pagkamatay ni Colleen (Chynna Ortaleza). Shocked si Dustin. Isinama siya ni Sam sa burol ni Colleen at makikilala niya si Bernard (Raymart Santiago).

Kakabahan si Bernard dahil alam niyang siya ang tunay na ama ni Billy. Darating si Lyra (Jennylyn), magugulat sila pareho ni Dustin pagkakita nila sa isa’t isa.

Samantala, tuluyan nang mababaliw si Rebecca – papatayin na niya si Billy.

Read more...