Tom-Den loveteam patok pa rin sa mga taga-Davao

dennis trillo
Ibang klase ang pagtanggap na naranasan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at ng in-demand leading man ng GMA na si Tom Rodriguez sa Araw ng Dabaw.

Halatang hindi pa nakaka-move on ang fans ng dalawa na sumubaybay sa kanilang phenomenal team-up sa My Husband’s Lover. Punung-puno lang naman ng di magkamayaw na fans ang Gaisano Mall sa Davao City noong March 15 nang magkaroon ng Kapuso Mall Show ang dalawa.

Kahit pa madalas pumunta sa Davao, hindi pa rin mapigilan ni Dennis ang matuwa sa ipinakita ng mga Dabawenyo. “As always talagang napaka-enthusiastic ng crowd and very excited sila,” ani Dennis. “Kaya kaming mga artist talagang ginaganahang mag-perform kasi mas masigla ‘yung mga tao, mas masarap mag-perform talaga. Nakakatuwa.”

Sang-ayon naman dito si Tom nang sabihing, “Grabe, ang sarap. Everytime na bumibisita ako rito, napaka-warm lagi. Napakasarap talagang magmahal ng mga Dabawenyo.” Nag-iwan pa nga siya ng mensahe para sa mga nanood ng on-stage reunion nila ni Dennis, “Sa mga Kapuso nating Dabawenyo rito nagpapasalamat kami ng sobra-sobra at sana magkita pa tayo ulit very, very soon.”

Ang mag-asawang primetime royalties namang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ay nagpapasalamat na dahil sa trabaho nila, hindi lang sila nagkakasama kundi nagkakaroon din ng chance para makipag-bond sa kanilang fans. March 16 naman noong nagkaroon ng ­show ang mag-asawa sa Abreeza Mall.

Bago sumalang ang dalawa, sinabi ni Marian na importanteng may panahon sila ni Dingdong para sa isa’t isa sa kabila ng busy taping schedules nila para primetime series na Pari ‘Koy (Dingdong) at The Rich Man’s Daughter (Marian). “Kailangan talagang meron (time for each other). Hindi pwedeng wala.”

Ayon pa kay Marian, “Inaayos talaga namin ‘yung schedule. Saan at kailan kami pwedeng mag-date. Sa ngayon tugma ‘yung schedule namin, pag may trabaho ako, may trabaho siya, pag wala, wala rin ako kaya we’re thankful gaya nito nakapag-regional kami.”

Sey naman ni Dingdong nakuha nila ang practice na ito sa ninong nilang si Ogie Alcasid. “May once a week talagang dapat inilalaan for family. Kailangan istrikto na kung Sunday, Sunday, kung Monday, Monday, di ba? Nakuha namin ‘yun sa ninong namin, kay Ogie, saka si Regine (Velasquez), ganu’n sila, eh.”

Speaking of Regine, naroon din para sa Araw ng Dabaw ang Asia’s Songbird na talaga namang pinabilib ang libu-libong audience ng Kapuso Fans’ Day sa SM City Davao.

Ang highlights ng Araw ng Dabaw ay mapapanood sa Let’s Fiesta TV Special ngayong April 19 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod at CDO.

Read more...