Daniel waging 2015 Nickelodeon Global Slime Star

daniel padilla
Nagpipiyesta na naman ang fans ni Daniel Padilla matapos itong manalo ng isang international award sa Nickelodeon.
Ang Teen King ang napili ng mga bagets around the world para sa titulong 2015 Global Slime Star of Nickelodeon.

Noong Biyernes inilabas ng Nickelodeon ang resulta ng botahan at agad ngang ipinarating sa Star Magic ang pagkapanalo ni Daniel.Ngayong gabi gaganapin ang awarding ceremony sa Los Angeles, California.

Hindi lang namin sigurado kung makakadaan doon ang rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo para personal na tanggapin ang kanyang award.

Kasalukuyang nasa Amerika si Daniel kasama sina Kathryn, John Lapus, Xian Lim at Kim Chiu para sa kanilang “One Magical Night Concert Tour”. Pero sana payagan si DJ na makapunta sandali sa LA para sa nasabing awards night.

Bukod pa rito, si Daniel din ang bet ng Pilipinas para sa Favorite Asian Act in Kids Choice Awards.

Read more...