Umabot sa mahigit P42 million (P42,533,158) ang binayarang tax ni Piolo Pascual noong 2013 – kaya siya ang itinuturing na top taxpayer among our local actors base na rin sa inilabas na listahan ng BIR noong Biyernes.
Pero kung isasama ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, walang binatbat ang binayaran ng mga artistang pumasok sa top 10 celebrity taxpayers sa bansa.
Nagbayad kasi si Pacman ng kabuuang P163,841,863 para sa kanyang buwis noong 2013.Narito ang iba pang pumasok sa top 10 list: John Lloyd Cruz: P41,976,592; Kris Aquino: P40,481,146; Sharon Cuneta: P39,049,235; Willie Revillame: P38,305,824; Anne Curtis: P28,237,190; Judy Ann Santos: P24,322,824; Coco Martin: P22,493,825; Vic Sotto: P22,409,591; Sarah Geronimo: P16,124,644.
Pasok sa pang-11 si Dingdong Dantes sa mga celebrity top taxpayers na nagbayad naman ng P15,732,757 buwis.