Games Today
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Talk ‘N Text vs. Barako Bull
7 p.m. Rain Or Shine vs. Barangay Ginebra
SISIKAPIN ng Rain Or Shine at Talk ‘N Text na tapusin kaagad ang magkahiwalay na kalaban sa quarterfinal round ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Inaasahang magiging pisikal muli ang pagtutungggali ng Elasto Painters ang Barangay Ginebra sa ganap na alas-7 ng gabi matapos ang 4:15 p.m. game ng Tropang Texters at Barako Bull.
Tinapos ng Rain Or Shine at Talk’ N Text ang elims na may 8-3 karta at katabla sa unang puwesto ang defending champion Purefoods Star. Subalit matapos ang tie-break ay nakamit ng Elasto Painters and No. 1 seed at nakuha ng Tropang Texters ang No. 2.
Nakatabla naman ang Barako Bull at Barangay Ginebra ang Alaska Milk sa ikaanim na puwesto sa record na 5-6. Matapos ang quotient ay nakuha ng Aces ang No. 6, napunta sa No. 7 ang Energy at sa No. 8 ang Gin Kings.
Naungusan ng Elasto Painters ang Gin Kings, 82-79 noong Marso 15.
Abante pa ng anim na puntos ang Barangay Ginebra papasok sa huling dalawang minuto pero naagaw pa rin ng Rain or Shine ang panalo.
Matapos ang laro ay pinagmulta naman ni commissioner Chito Salud sina Beau Belga (P70,000) at Raymond Almazan (P40,000) bunga ng kanilang pisikalidad at panunuya sa fans. —Barry Pascua