As of last Friday daw kasi, sa ginaganap na botohan, number one na si Sam – tinalo na nga niya ang nangunguna noong si Angel Locsin.
Sa presscon ng pelikulang “Boy Pick-Up The Movie” na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid, inamin ni Sam na sunud-sunod na ang mga natatanggap niyang malilisyosong komento mula sa mga fans ni Angel (number two sa botohan), pati na rin sa fans nina Solenn Heussaff (number three) at Marian Rivera (number four).
“Sinasabi nila para raw akong tuod, hindi naman daw ako sexy talaga.
May nagsasabi naman hindi raw ako deserving manalo sa Sexiest Woman dahil wala raw akong karapatan.
‘Yung iba medyo off na talaga,” chika ni Sam na gumaganap ngang Neneng B sa “Boy Pick-Up” na siya ring karakter niya sa nasabing segment ng Bubble Gang.Pero say ni Sam, hindi na raw niya pinapatulan ang kanyang mga detractors, kasama na ang mga bashers niya sa Twitter dahil aniya, “Natural naman ‘yun sa mga contest, di ba?
So, dedma na lang ako. I just wish them good luck!”
Tungkol naman sa intriga sa kanila ni Solenn, hindi raw totoong magkaaway sila.
May chika kasi na nagalit siya sa TV host-actress dahil ito ang napiling ka-loveteam ni Ogie sa “Boy Pick-Up” samantalang siya raw ang regular na napapanood sa Bubble Gang.
“Wala! Hindi kami nag-aaway. Tsaka si Neneng B naman hindi siya ka-loveteam ni Boy Pick-Up, parang sidekick siya.
So, yung kay Solenn, it’s a new character. There’s no issue between us!” paniniguro pa ni Sam.
Showing na ang “Boy Pick-Up The Movie” sa June 6 nationwide mula sa Regal Entertainment at GMA Films.
Makakasama rin dito sina Dennis Trillo bilang kontrabida, Gwen Zamora, Moymoy Palaboy, Jackie Rice, Ellen Adarna, Sarah Lahbati, Antonio Aquitania, Boy2 Quizon, Diego, Eri Neeman, Pepe Smith, Michael V. at Lilia Cuntapay.
Ito’y sa direksiyon ni Dominic Zapata.