Kalat na: Bea biglang lumaki ang tiyan, buntis kay Zanjoe?

BEA ALONZO AT ZANJOE MARUDO

BEA ALONZO AT ZANJOE MARUDO

We don’t know kung bakit natsitsismis na buntis itong si Bea Alonzo.

Noong una, pa-blind item pa ang lumabas na chikang buntis ang isang aktres. But later on ay pinangalanan na ito.

Siyempre pa, ang sinasabing nakabuntis kay Bea ay ang boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.

Merong lumabas na chikang isang kapamilya ng actor ang nagsabing malapit na nga raw maging ina ang aktres. True kaya ito?

Kalat na kalat na sa social media ang pagbubuntis diumano ni Bea. Actually, naaalarma na nga ang fans niya sa tsismis sa kanya dahil wala pang iniisyung official statement ang aktres about this.

Matagal nang napanood sa TV si Bea and her last soap was shown last year pa. Meron daw itong ginagawang movie with Richard Gomez and Dawn Zulueta.

Rumors of her pregnancy started yata when she taped for the Kapamilya Summer Station ID. Marami raw ang nakahalatang parang may baby bump ang aktres dahil may kalakihan ang tiyan nito.

Baka naman busog-lusog lang siya ng mga oras na ‘yon? Baka naman kakakain lang niya nang ma-sight nila ang tiyan ng aktres.

Anyway, aware kaya si Bea na natsitsismis siyang buntis? Mag-react kaya siya?

Read more...