Ate Guy: Walang nagbayad sa akin para pababain si PNoy!

NORA AUNOR

NORA AUNOR

Natawa na lang si Mama Guy sa mga sitsit na kaya siya nagsalita laban kay P-Noy dahil malamang daw na nabayaran siya ng kalaban ng administrasyon.

“Never akong nagpabayad sa mga ganyan-ganyan. Galing sa puso ko ang ginawa ko. Panahon pa lang ni Marcos at Erap nangyari na ang ganito at walang nagbayad sa akin para sabihin ang nasa loob ng puso ko. Kahit paano naman, may pride ako, ‘no!” ani Mama Guy.

Paano iyan, Mama Guy? Hindi pinakinggan ni P-Noy ang panawagan mo. Hindi siya nag-resign. Ha-hahaha!

Read more...