Ara Mina magpapabuntis uli kay Patrick Meneses bago magpakasal

patrick meneses
Pagkatapos manganak at pabinyagan ang kanyang baby kamakailan, sumalang na agad sa matinding aktingan ang sexy-actress na si Ara Mina sa longest drama anthology on TV na Maalaala Mo Kaya.

Three months na ang baby niya kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses kaya back to work muna si Mommy Ara.Bibida rin sa pagbabalik ni Ara on screen ang winner sa Star Awards for Movies as Best New Movie Actress na si Sofia Andres.

Sa hangaring mabigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang anak na si Joy (Sofia), napilitang mangibang-bayan ang single mother na si Bheng (Ara).

Sa kanyang pag-alis, naiwan si Joy sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Ngunit dahil sa kakulangan ng personal na paggabay ng nakatatanda, maagang nabuntis si Joy ng kanyang boyfriend na kalaunan ay inabandona siya at ang kanilang anak.

Susuportahan naman sina Ara at Sofia sa MMK episode na ito nina Liz Alindogan, Bea Saw, Alyanna Angeles, Pen Medina at Julian Estrada, ngayong Sabado na yan sa direksyon ni Garry Fernando.

Samantala, sa huling panayam kay Ara nasabi niya na unexplainable ‘yung feeling ng pagiging ina. Mahirap na masarap at iba raw talaga ang binibigay na joy ng baby para sa kanya.

Positibo naman si Ara na sooner or later ay ang kasalan naman ng ama ng kanyang baby ang susunod na big event sa buhay niya. Ssa ngayon nagpa-plano na sila ni Mayor Patrick na sundan ang kanilang first baby.

Gusto raw kasi ni Mayor Patrick ay limang anak, habang si Ara naman ay hanggang tatlo lang ang keri. Pero hinay-hinay lang daw muna sabi ni Ara dahil binyagan pa lang daw ng baby nila ay aligaga na sila, what more ang napakalaking event gaya ng kasal.

Bukod diyan parating din ang eleksyon sa 2016 na kailangan din daw nilang paghandaan.

 

Read more...