ABS-CBN, GMA, TV 5 ipapalabas ang laban nina Pacquiao at Mayweather

Mayweather-Pacquiao

Mayweather-Pacquiao

IPAPALABAS ng ABS-CBN, GMA at TV5 ang laban sa pagitan ni boxing champ na si Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2.
Sinabi ng Solar Sports na magsasama-sama ang tatlong pinakamalalaking network para sa makasaysayang laban.
Ayon kay Solar CEO Wilson Tieng, matagal na nilang hinihintay ang laban nina Pacquiao at Mayweather.
Idinagdag ni Tieng na personal na kahilingan ni Pacquiao na lahat ng mga Pinoy ay makapanood ng kanyang laban.
“It has been Manny’s wish for all to watch his fight,” sabi ni Tieng.
Nakatakda ang laban sa pagitan ni Pacquiao at Mayweather sa Mayo 2 (Mayo 3 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena.

Read more...