Ayan, pagkatapos ng kanilang mga pagbabalitaktakan, pagkatapos nilang magbatuhan ng masasakit na salita, nanghingi na ng dispensa si Melissa Mendez sa nakaengkuwentro niya sa eroplano, ang businessman na si Rey Pamaran.
So, ngayong nag-sorry na si Melissa sa kanyang nakabanggaan, ang ibig sabihin ba nito ay tapos na ang kanyang planong panghihingi ng tulong sa grupong Gabriela?
Inamin ni Melissa na siya raw ang may kasalanan, dahil du’n ay humihingi siya ng dispensa kay Reypams at sa iba pang mga taong nasaktan-nadamay sa hindi magandang insidente, maraming nagpalagay na natakot ang aktres sa bantang pagdedemanda sa kanya ng negosyante sa Pagadian City mismo.
Ang tanging panlaban daw kasi ni Raypams ay ang mga videos na kinunan ng mga pasahero sa eroplano, pati ang mga kuha ng mga CCTV cameras na nakakalat sa paliparan, du’n pa lang daw ay siguradong matatalo na si Melissa sa kasong isasampa ng businessman.
Nabahag ang buntot ni Melissa, napakalaki nga namang abala ang magparoo’t parito sa Pagadian para sa pagdinig ng kaso, kaya habang maaga pa ay sinunod niya na lang ang hinihinging public apology ni Rey Pamaran.
Samantala, paano na ang banta naman ng pamunuan ng Cebu Pacific na kakasuhan siya sa ginawa niyang pagwawala sa eroplano pagkatapos siyang bigyan ng tatlong warning, tuloy pa rin kaya ‘yun? Kasama na ba ‘yun sa ginawa niyang pagso-sorry kay Reypams?
Ngayong nagkaayos na ang magkabilang panig ay magpatuloy pa rin kaya sa pagkuda ang aktor kuno-modelong si Andrew Wolff?
Abangan!!!