I’M sure many of us already heard and know kung ano ang nangyaring kaguluhan between actress Melissa Mendez and businessman Rey Pamaran sa Cebu Pacific flight nila to Pagadian last Saturday morning kung saan ay napahiya nang husto ang aktres nang pababain ng eroplano ng piloto.
Nadiin si Melissa for a while dahil sa in-upload na video and photos ng athlete/model/actor na si Andrew Wolff na kasama ni Mr. Pamaran nu’ng araw na iyon. Pinalabas na unruly si Ms. Mendez at nakipag-away just to discredit her.
Anyway, everything has been said and done – to the point that Ms. Mendez had to seek assistance from Gabriela dahil sa humiliation na tinamo nito sa kamay ng 6-footer na si Mr. Pamaran.
At the end of the day, Mr. Pamaran threatened na kakasuhan niya si Melissa kung hindi ito magpa-public apology at aminin ang kanyang kasalanan.
The other day, Ms. Mendez posted sa social media ang kanyang official statement sa banta ni Rey na kakasuhan siya sa mga nangyari.
“In light of the recent incident that involved me and Mr. Rey Pamaran, I would just like to simple apologize for my untoward actions and move on from this.
This incident has caused a lot of pain and trouble to me and my family as well as the other party involved.”I am owning up to my mistake. No matter what the reason may be, I had no right to physically hurt Mr. Pamaran.
Again, my deepest apologies to Mr. Pamaran and everyone else who have been affected by this,” ani Melissa. How humbling for her to apologize indeed! Kahit siya ang babae ay siya pa ang may balls na humingi ng forgiveness.
The world admired her actions despite the fact that she’s not all to blame sa pangyayari. Masyado rin siyang na-abuse verbally ni Pamaran pero siya pa rin ang nagpakumbaba.
But wait, hindi pa nakuntento itong si Mr. Rey Pamaran sa ginawang public apology ni Melissa Mendez sa social media. Hindi raw ito sapat para iurong daw niya ang kasong isasampa niya sa aktres.
Masyado raw nasira ang reputasyon niya dala ng pangyayari.Wait lang din, kanino kayang reputasyon ang mas nasira? Naniniwala kaming sobrang dehado rito si Ms. Mendez dahil unang-una, babae ito at simpleng request to sit on his designated seat sa airplane ay hindi na nga napagbigyan at nakatikim pa ng panlalait kay Pamaran; pangalawa, siya ang pinababa sa eroplano at pinalabas pang nanakit.
Ngayong humingi na siya ng dispensa para matigil na ang gulong ito at para makapag-move on na rin sa kanyang traumatic experience, hindi pa rin pala sapat. Ang gusto raw kasi ni Mr. Rey Pamaran ay libutin ni Ms. Mendez ang TV shows para sabihing nagsinungaling siya – that all she said in her past interviews were all lies.
Hindi raw siya payag na ganoong apologies lang ang makamit. ‘Nyeta ha! Napakaarte niya. Ang babae na nga ang nagpakumbaba instead of him, nagtataray pa rin siya? What kind of a human being is he? Just because he has the money ay nais niyang i-condemn si Melissa.
Anong gusto niyang mangyari – ang sirain ang buong pagkatao ni Ms. Mendez? That’s too much to demand. OA na ha!
“Hindi pa siya masaya sa public apology ni Melissa? Ano iyon? Kaartehan naman sobra ng Pamaran na iyan.
Ano siya, Diyos? Sabi niya ay puwede niyang mapatawad si Melissa dala ng malapit na ang Semana Santa – pero ano itong ginagawa niya? Mas mahirap nga itong ginawa ni Melissa eh, kahit masyado siyang nasaktan at napahiya, siya pa ang may nerve to make amends with everyone involved in this brouhaha tapos hindi pa niya matanggap?
“Sobrang kayabangan na yan. Anong nasaktan sa kaniya? Dahil nasampal siya? Kasampal-sampal naman siya talaga, eh. The fact na sabihan niya ang babaeng bad breath na dinig na dinig ng lahat ng pasahero, what does that make of him? Bastos, di ba?
Walang respeto sa babae and to think that Melissa is 50 years old na, hindi niya kayang igalang. Lamunin niya ang salapi niya and one day, tiyak na pagbabayaran niya ang kayabangan niyang ito,” anang isang netizen na nabuwisit kay Mr. Pamaran when he learned na ayaw tanggapin nito ang apologies ni Melissa.
Marami ang lalong nagalit kay Mr. Pamaran. Kung lalaking tunay itong si Pamaran, dapat nga ay hindi na niya pinatulan ang pagtatalak ni Melissa sa plane nung mga oras na iyo and much more, dapat siya ang nanghingi ng dispensa rito.
That’s the height of kamalditahan na, Mr. Pamaran. I hope you realize that too. Humility is a virtue, just to remind you.