Ahente ng lupa nakakuha ng P10.4M sa Lotto 6/42

MAHINA ang benta sa patay at sa buhay kaya tumaya sa lotto ang 58-anyos na real estate agent na nanalo ng P10.4 milyon.
Ang nanalo ang nag-iisang nakakuha ng jackpot noong Marso 14 kung saan lumabas ang mga numerong 04-06-10-17-22-28. Nagkakahalaga ng P40 ang halaga ng kanyang itinaya ng nanalo.
Siya ay 58-anyos, may-asawa at tatlong anak. Isa siyang real estate/memorial plan agent at taga-Batangas.
‎Galing ang mga numero sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay at noong 1995 pa siya nagsimulang tumaya.
Uunahin umano niyang bayaran ang kanyang mga utang at magtatayo ng negosyo para maitaguyod ang kanyang pamilya. Magtatabi din siya para sa edukasyon ng kanyang mga anak.
Sa kanyang pakikipagkuwentuhan kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II sinabi ng nanalo na matagal na siyang ahente ng lupa pero kulang ang kanyang kinikita kaya nagbenta na rin siya ng lupa para sa mga patay.

Lotto 6/42

Kaya minabuti ko na ho samahan ng taya sa lotto,” saad ng nanalo kay Rojas‎.

Read more...