Magdyowa na raw talaga sina Rhian Ramos and KC Montero.
Marami na ang nakakaalam ng kanilang relasyon dahil open secret na naman ito sa mga friends nila sa showbiz.
Ano kaya ang dahilan kung bakit ayaw pa nilang umamin?
Nahihiya ba silang matsismis dahil galing si Rhian sa magulo at masalimuot na relasyon courtesy of DJ Mo Twister?
Tuluyan na nga raw nasira ang friendship nina KC at Mo dahil kay Rhian.
Siyempre, Mo took it against KC when he learned na pinopormahan na ito ng kanyang best friend.
Sa ngayon nga ay hindi na pina-follow ng dalawa ang isa’t isa sa Twitter when there were times na super tweet sila ng kanilang mga kalokohan.Pero at one time, noong hindi pa sila nagiging bitter enemies ay nagpatutsadahan na sila at nagpalitan ng messages na medyo sarcastic.
Ang tsismis, sinundan pa raw ni KC si Rhian nang magbakasyon ito sa abroad recently.
At doon na nga raw nagsimula ang kanilang magandang relasyon na tila ikinairita naman ni DJ Mo.