Sam biglang tsinugi sa sexy movie ni Coleen Garcia, si Derek ang ipinalit

sam milby
Dumating sa bansa si Sam Milby pero isang linggo lang daw siya rito at kailangan uli niyang bumalik sa Los Angeles, USA dahil nag-aaral nga siya ng acting under Yvanna Chubbuck.

May kailangang i-shoot na TV commercial si Sam para sa Systema Toothpaste at ilan pang commitments. Samantala, hindi na pala magagawa ni Sam ang pelikulang “Ex With Benefits” kasama si Coleen Garcia dahil nga matagal siyang nawala, e, hindi naman daw puwedeng hintayin siya kung kailan siya babalik.

Sayang naman daw kung matetengga ng husto ang pelikula at ibang kasama kung hihintayin ang availability ni Sam na may katwiran din naman. Balita namin ay pinalitan na si Sam ni Derek Ramsay.

Anyway, may kapalit naman daw ang pelikulang nawala kay Sam at may gagawin siyang teleserye sa Hulyo pagdating niya.
Matagal-tagal na ring hindi napapanood ng mga tao si Sam sa telebisyon kaya marami na ring nagtatanong kung kailan siya magkakaroon ng teleserye.

Kung hindi kami nagkakamali ang last project pa niya sa ABS-CBN ay ang Dyesebel kung saan niya nakasama si Anne Curtis.
Pero huwag daw mag-alala ang fans ni Sam dahil tiyak na babawi ang aktor sa pagbabalik niya sa akting dahil marami na uli siyang baon na bagong istilo sa pag-arte.

Read more...