Ginebra vs Alaska para sa No. 6 spot

alaska aces

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco vs Blackwater
7 p.m. Alaska vs Ginebra

PAGLALABANAN ng Barangay Ginebra at Alaska Milk ang ikaanim na puwesto sa pagtatapos ng elimination round ng PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon ay tuluyang mamamaalam ng Blackwater sa torneo sa pagharap nito sa Meralco.

Ang Barangay Ginebra ay may 5-5 karta at galing sa 96-89 panalo kontra Globalport sa kanilang out-of-town game sa Lucena City noong Sabado. Ang Alaska Milk naman ay may 4-6 record at natalo sa Talk ‘N Text, 101-93, noong Linggo.

Sa ilalim ng torunament format, ang mga koponang magtatapos sa ikatlo hanggang ikanim na puwesto ay papasok sa best-of-three quarterfinal round kung saan makakatunggali ng No. 3 ang No. 6 at ng No. 4 ang No. 5.

Ang ika-7 at ika-8 koponan ay makakasagupa ng top two teams na may twice-to-beat advantage. —Barry Pascua

Read more...