Collateral kailangan sa reintegration program ng OWWA | Bandera

Collateral kailangan sa reintegration program ng OWWA

Liza Soriano - March 25, 2015 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line,
Ako po ay isang OFW sa bansang Singapore. Ang akin pong mga anak at asawa ay nasa Pili-pinas. Kami po ay may maliit na piggery at konting manukan na siyang tumutulong sa aming mag-asawa sa pag taguyod ng aming pamilya.

Akin pong nalaman ang reintegration progam ng OWWA para sa mga OFW na katulad ko na nais magnegosyo. Kaya kami po ay nag-research at nakita po naming ang mga requirements na hinihingi. Matapos po namin na makumpleto ang aming requirements ay kami ay napunta sa Landbank upang mag-apply sa nabanggit na programa.

Ngunit sa aming buong pagkadismaya ay hindi raw po maaaring mag-apply ang walang collateral, na taliwas sa sinasabi sa kanilang website.

Ako po ay humihingi ng tulong upang higit po naming maunawaan ang naturang programa.

Lubos po kaming umaasa sa inyong ipormasyon na makakapag- bigay-linaw sa programa na ito na dapat ay higit na makatulong sa aming mga OFW na nagnanais ng mag negosyo.

Lubos na umaasa,
Jenalyn

Dear Ms. Jenalyn,

Magandang araw po sa inyo!

Kaugnay po ito sa inyong liham na ipinadala sa pamamagitan ng kolum ni Ms. Liza Soriano sa pahayagang Bandera.

Nais po naming ipabatid sa inyo ang kasagutan sa binanggit ninyo tungkol sa 2B OFW Reintegration Program (ORP).

Nilalayon ng programang ito na magkaroon ng pagkakataon ang mga OFWs na umuwi na ng Pilipinas ay magkaroon ng sariling negosyo.

Ang pribilehiyo pong ito ay ibinibigay sa mga OFWs na miyembro ng OWWA o naging miyembro ng ahensya. Ang OWWA po ang nagbibigay ng mga Entrepreneurship Deveopment Training (EDT), financial literacy, at iba pang may kasanayan tungkol sa pagnenegosyo. Subalit pagdating po sa “banking requirements” ay dito pumapasok ang Land Bank.

Ihalintulad natin ito sa pagkuha ng eksaminasyon sa scholarship program ng OWWA. Makapasa man po sa pagsusulit na ibinigay ng OWWA ay kailangan pa ring maipasa ang eksamen sa eskwelahan kung saan gustong mag enroll ng anak ng OFW.

Dapat po nating isaisip na pinapangalagaan lamang ng nasabing bangko ang kapakanan ng mga taong nagtiwala na ilagak sa kanilang bangko ang pinaghirapang pera. Ito po ay parte ng kanilang “security measures.”

Seryoso po ang usapin ng pagnenegosyo. Usapin ito ng kahandaan, responsibilidad at kaalaman sa papasuking proyekto. Bilang bahagi ng prosesong ito, kooperasyon po ng magkabilang panig ang dapat nating suriing mabuti. Responsibilidad sa OFW at tiwala mula sa bangko.

Kapag pinagsama natin ang mga elementong ito,tagumpay ang matatamo.
Sana po ay naliwanagan kayo sa pamamagitan ng liham na ito.
Sumasainyo,

JOSEFINO I.TORRES
Deputy, OWWA
Administrator

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
q q q
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending