Jasmine nakipagsabayan kay Derek sa karera ng sasakyan

jamine curtis
NAIMBITAHAN ang Kapatid top hunk actor at “Extreme King” na si Derek Ramsay at si TV5 princess and Move It host Jasmine Curtis Smith na makilahok sa 2nd Vios Racing Cup na ginanap sa Clark International Speedway, Pampanga.

Nakasama nila ang mga celebrities na sina Kylie Padilla, Sam YG, Joyce Pring at Phoemela Barranda na naki-join din sa karera. Bukod kay Phoem at Sam YG na pangalawang beses nang sumali sa karera, lahat ng mga celebrities ay hindi marunong ng manual transmission at puro automatic lang ang idinadrive, kaya naman dagdag challenge na agad ito sa kanila.

Bukod pa rito, malaki ang pagkakaiba ng driving on a straight line sa circuit racing kaya naman isang maling kilos lang ng nagmamaneho, maari talagang malagay sa peligro ang buhay ng mga kalahok.

Pero kakaiba ang hilig ni Kylie sa extreme sports dahil ang chika, mas lalo pa raw itong nag-eenjoy pag nakikita ang naggigitgitang mga sasakyan.

Nanguna si Phoemela sa qualifying round samantalang nag-tie naman sina Jasmine at Derek kung saan lamang lang si Jasmine ng 0.2 seconds. Dikit naman ang naging laban ng bawat isa pagdating sa championship round.

Mapapanood ang highlights ng 2nd Vios Race Cup sa Extreme Series: Kaya Mo Ba ‘To? ngayong Miyerkules, 10:15 p.m. sa TV5 lang hosted by Derek Ramsay.

Read more...