IBINUNYAG ng Hollywood actress na si Angelina Jolie na sumailalim siya sa operasyon kung saan tinanggal ang kanyang ovary at fallopian tube sa harap naman ng banta ng pagkakaroon ng cancer.
Ito’y matapos namang sumailalim si Jolie sa preventive double mastectomy dalawang taon na ang nakakaraan.
Sa isang artikulo na sinulat ni Jolie para sa New York Times noong Martes, na may pamagat na “Angelina Jolie Pitt: Diary of a surgery,” sinabi niya na “carried a mutation in the BRCA1 gene,” dahilan para maging lantad siya sa cancer. Ayon kay Jolie, 87 porsiyento ang posibilidad na magkaroon siya ng breast cancer, samantalang 50 porsiyento naman ang posibilidad na magkaroon siya ng ovarian cancer.
Ayon sa aktres, namatay ang kanyang nanay, lola at tiyahin dahil sa cancer.
Idinagdag ni Jolie, na nagdesisyon siyang patanggal ang kanyang ovary matapos namang makatanggap ng tawag mula sa kanyang duktor na nagsasabing base sa isinagawang pag-aaral sa kanyang dugo, may senyales na siya ng pagkakaroon ng cancer.
“I will not be able to have any more children, and I expect some physical changes. But I feel at ease with whatever will come, not because I am strong but because this is a part of life. It is nothing to be feared,” sabi ni Jolie.
Angelina Jolie nagpatanggal na rin ng ovary
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...