OKAY lang kay Carla Abellana kung magkasama muli sila sa isang teleserye o pelikula ng ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann.
Kahapon pumirma muli ng bagong kontrata ang Kapuso actress sa GMA 7 – ibig sabihin hindi totoo ang lumalabas na chika na lilipat na rin ng network ang rumored girlfriend ni Tom Rodriguez.
Present sa ginanap na contract signing ang mga big boss ng Kapuso network sa pangunguna ni Atty. Felipe Gozon at Mr. Gilberto Duavit.
Nandu’n din ang ilang lady executives ng network para suportahan si Carla, sa pangunguna nina GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable, GMA SAVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Darling de Jesus, Assistant Vice President for Talk/Magazines/Musical/Reality Productions and TV Specials, Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Productions at Vice President for Drama Productions Redgie Acuna-Magno.
Ayon kay Carla, ngayong darating na summer na magsisimula ang bago niyang teleserye sa Siyete, pero hindi pa niya alam kung sino ang magiging leading man niya.
Sa pagkakaalam niya hindi na raw si Tom ang makakatambal niya, pero aniya, pwede pa namang magbago ang desisyon ng GMA, “We’ll never know, hangga’t hindi pa nagsisimula ang taping, marami pang pwedeng mabago, di ba? Let’s see.
Ako naman kahit sinong ipartner sa akin, okay ako, and it’s a management decision pa rin.” Dito na namin tinanong si Carla kung okay lang sa kanya na makatambal uli si Geoff, ayon kay Carla, “Actually, hindi pa kami nagkikita o nagkakausap.
Wala kasing chance, but like I said, I’m okay with anybody. Hindi ko lang alam sa kanila (Geoff’s camp), pero sa akin, walang problema.”
Pero aniya, mukhang imposible pa itong mangyari sa ngayon dahil may umeere pang serye si Geoff sa GMA Afternoon Prime, ang Kailan Ba Tama Ang Mali?.
Kitang-kita naman na naka-move on na si Carla sa break-up nila ni Geoff at ramdam na ramdam din namin na maligaya siya sa piling ni Tom. Though ayaw pa rin nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon, sinabi ni Carla na they’re getting there.
Inamin niya na pareho sila ni Tom na natatakot lagyan ng title ang kanilang samahan, pero sey ng Kapuso actress, maligaya naman siya kung anong meron sila ni Tom, “Basta we’re taking it slow, what you see is what you get.”
Sabi pa ni Carla, hindi siya yung tipo ng babae na nakikipag-date sa dalawa hanggang tatlong lalaki, mas gusto niya raw ‘yung isa lang. Pero wala naman silang rules na napag-uusapan ni Tom tungkol dito.
Pero kung manliligaw daw sa iba si Tom, wala naman siyang magagawa. “It’s his life naman after all, hindi ko naman siya pwedeng diktahan kung anong gusto niyang gawin. But for me, gusto ko one at a time lang.”
Samantala, bukod sa bago niyang teleserye sa GMA, magkakaroon din siya ng show sa Public Affairs department ng network pero hindi pa raw niya ito pwedeng sabhin, at tuluy-tuloy pa rin ang sitcom nila ni Ryan Agoncillo na Ismol Family tuwing Linggo ng gabi.