Sarah, Matteo nagpaplano na raw pakasal; parehong mahilig sa baby

sarah geronimo
Hay, naku, mabuti pang kiligin na lang kami sa nangyayari ngayon kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

After ngang masaksihan ng mga nanood ng Ed Shreeran concert ang sweetness ng dalawa na napabalita pang pinagmulan ng isyung may plano na silang magpakasal, aba’y eto at very sweet silang nakitang nag-eenjoy sa paghele sa anak ni Dimples Romana.

Yes, ayon sa aming kapwa Popsters na kinilig at nag-enjoy sa eksenang kinarga, pinatawa at hinalikan ang baby ni Dimples (naganap ito noong binyag ng bata) nina Sarah at Matteo, kumbinsido nga silang nagpaplano na at malaya nang nag-uusap ang dalawa hinggil sa kanilang future.

Hay, napakasarap na balita. Super kilig talaga ang emote sa amin though kapwa busy ang dalawa sa kanilang mga respective projects and yet, kitang-kita naman talaga ang effort nila na maghanap at bigyan ng oras ang kanilang love affair.

Kaya sa mga tsismis na posible pa raw maagaw ni Alex Gonzaga ang ka-loveteam niyang si Matteo sa Inday Bote mula kay Sarah, e, mukhang malabo nga itong mangyari dahil super in love ang binata sa nag-iisang Pop Princess.

Read more...