Daniel: Mahal na mahal po namin ng nanay ko si Vice!!!

vice ganda daniel
Excited na si Vice Ganda sa gagawin nilang pelikula ni Daniel Padilla na kung hindi kami nagkakamali ay para sa MMFF 2015. At kung wala nang magiging problema, kasama na rin sa nasabing proyekto si Kathrn Bernardo.

Gaganap silang mga superhero sa movie. Ayon kay Vice, tuloy na tuloy na ang nasabing pelikula at natutuwa rin siya dahil okay na okay na sila uli ni Daniel, ito’y matapos ngang umamin ang TV host-comedian na isang buwan silang hindi nagpansinan ni DJ.

Sa interview ng The Buzz (sa block screening ng Crazy Beautiful You na inisponsoran ni Vice para sa kanyang mga kaibigan), sinabi ng gay comedian na balik na sa normal ang relasyon nila ni Daniel matapos nga silang magkatampuhan over some personal matters.

“Siya (‘yung naunang kumausap sa akin) kasi mas maarte ako. Hindi naman siya maarte. Ganyan naman kami, lagi naman kaming nagkakatampuhan niyan pero wala lang. Kapag nagkita kami, super okay kami agad,” ani Vice.

Nauna rito, nagkita sina Vice at Daniel sa embassy at doon nga sila muling nagkausap nang masinsinan hanggang sa magkapaliwanagan sa mga nangyari lately sa kanilang personal na buhay.

Ayon naman kay DJ, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Vice kahit na magkaroon pa sila ng tampuhan, “Mahal namin ito ng nanay ko. ‘Yung buong pamilya ko mahal siya.”

Kung matatandaan, nagkaroon ng issue noong sa pagitan ng dalawa nang dahil sa pagrereklamo ng mga KathNiel fans, dahil dito mismong ang nanay na ni Kathryn ang humingi ng sorry kay Vice sa mga ginawang sablay ng supporters nina Kath at DJ.

Read more...